LIMANG personnel ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) ang naospital makaraang makaramdam sila ng pagkahilo at nagkaroon ng rashes sa katawan nang maturukan sila ng bakunang donasyon ng bansang China Sinovac Biotech Ltd, ngayong araw.
Isa sa kanila ay lalaking auxillary staff na nakaramdam ilang minute pagkatapos niyang maturukan ng bakuna kontra sa COVID-19, ayon kay Dr. Ramon Mora, VMCC port-vaccination observation team leader.
Ayon kay Mora, ang naturang staff ay balisa sa screening process na maaaring nag-contribute sa kanyang pagkahilo.
“Mayroon talagang natatakot katulad niyan. ‘Yung isa, kanina doon pa lang sa loob talagang anxious na siya. Nandoon ‘yong takot,” Mora said.
“Noong na-screen naman siya, wala naman. Ang ayaw lang namin ‘yong may mahihirapang huminga,” dagdag niya..
Nakaranas naman ng rashes ang isa pang hospital staff na sinasabing posibleng mild reaction matapos maturukan ng COVID-19 vaccine. Tatlo pang staff ang nahilo at dinala sa emergency roon ng ospital.
Isa umanong standard procedure ang pagdadala sa kanila sa emergency room subalit ang lahat ng 5-staff ay maayos na ang lagay at nakauwi na.