Kahihiyan ng AFP ang red-tagging

NAPAKALAKING kahihiyan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawa ni Major General Antonio Parlade, Jr., ang hepe ng AFP Southern Luzon Command (Solcom) at ang key figure ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na akusahan ang mga professional individuals na nagtapos ng iba ibang kurso sa University of the Philippines bilang mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army. Bukod sa naturang mga indibidwal ay inakusahan din nya ang 18 pang unibersidad bilang kanlungan ng mga komunista.

Naging viral ang inilabas ni Gen. Parlade sa social media at binatikos siya ng netizens dahil umano sa walang kahit katiting na katotohanan sa kanyang mga ibinibintang na ang professionals na tulad nina lawyers Alexander Padilla, na dating head ng Philhealth at Bureau of Customs; Rafael Angelo Aquino, human rights lawyer na miyembro ng Free Legal Assistance Group; Roan Libaros, na dating lawmaker at presidente ng Integrated Bar of the Philippines; Liza Dacanay, presidente ng Institute for Social Entrepreneurship in Asia; playwright Liza Magtoto; at yumaong director Behn Cervantes.

Nakikiisa kami sa paniniwala ng maraming mamamayan na ang pagbibintang ni Gen. Parlade o ang kanyang tinaguriang “red-tagging” ay naglalayon lamang na ilihis o ibaling ang atensyon ng Filipino dito para hindi nakatuon sa natuklasang iregularidad sa tangkang pagpatong ng mga tiwaling opisyal sa presyo ng COVID-19 vaccines partikular nan g Sinovac.

Subalit ang ginawa ni Gen. Parlade ay nagdulot hindi lamang malaking kahihiyan sa AFP dahil nadamay ang propesyonalismo nito. Nangangamba pang makasuhan ang organisasyo ng cyber libel dahil sa wala siyang sapat na ebidensya laban sa kanyang mga tinukoy na indibidwal kundi malinaw na paninirang-puri lamang ang kanyang akusasyon.

Malinaw na winasak niya ang propesyonalismo sa loob ng AFP.

Ang tanging magagawa ni Gen. Parlade para manumbalik ang tiwala ng mamamayang Pilipino sa kanilang AFP ay tigilan na niya ang red-tagging at iba pang kababalaghan o kabulastugang umiinog sa kanyang imahinasyon.

Umaasa kami na pagsisilbihan ng AFP ang bansa at gagampanan nito ang kanilang tungkulin bilang tagapag-tanggol ng buong bansa at hindi ang maging sunud-sunuran lamang sa mga politiko.

You May Also Like

Matuto sa karanasan

Matuto sa karanasan

HIGIT isang taon na ang Pilipinas sa pagtitiis sa pandemya ay tila wala pa ring nakikitang linaw sa pagpuksa ng...

Magpabakuna para protektado

Magpabakuna para protektado

MULING tumataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19, sa kabila ng patuloy na pagdating sa bansa ng mga bakuna...

Bakuna nasira sa katiwalian

Bakuna nasira sa katiwalian

SA wakas ay masisimulan na ang pagbabakuna dito sa bansa nang dumating kahapon ang donasyon ng bansang China na...