TULOY na ang pinakahihintay na sagupaan nina Saul “Canelo” Alvarez at ni Billy Joe Saunders, na gaganapin sa Mayo 8.
Bagaman naghahanap pa ng venue para sa unification bout ng pound-for-pound king na Mexican fighter Canelo Alvarez at ni unbeaten WBO champ British fighter Billy Joe Saunders, tinitiyak na hindi na mauudlot pa ang kanilang bakbaka na inaasam ng boxing fans.
Katatapos lamang ni Alvarez na matagumpay na maidepensa ang kanyang World Boxing Council (WBC) at World Boxing Association (WBA) super middleweight titles laban kay Turkish fighter Avni Yildirim na ginanap sa Hard Rock Stadium, sa Miami Gardens, Florida.
Nakataya rin sa sagupaan nila ang WBO super middleweight crown ni Saunders bukod sa titulo ni Alvarez, Kasama rin ang Ring Magazine World Championships.
Hawak ni Alvarez ang record na 55-1-2 na may 37 knockouts at ang tanging talo ay kay Floyd Mayweather noong 2013 via majority decision.
Samantalang si Saunders naman ay isang two-division world champion na may 30-0 record kasama ang 13 knockouts at ang WBO super middlweight belt mula pa noong May 2019.