Apela ni Floirendo, ibinasura

IBINASURA ng Sandiganbayan ang apela ni dating Davao del Norte representative Antonio Floirendo, Jr., nan ais ma-reverse ang kanyang conviction noong Agosto, 2020.

Sa isang resolution na may petsang Enero 22, 2021, tinanggihan ng special division ng anti-graft court ang motion for reconsideration ni Floirendo, sa graft conviction dahil sa unlawful interest nito sa land lease contract sa pagitan ng Tagum Agricultural Development Company (Tadeco) at ng Bureau of Corrections.

Nalaman ng government prosecutors na mayroong 75,000 shares si Floirendo sa Tadeco nang ang lease contract ay mapalawig ang lease contract sa Mayo 21, 2003, habang siya ay incumbent representative.

Sa kanyang motion for reconsideration, sinabi ni Floirendo na ang nasabing 75,000 shares ay nasa 1% lamang ng kabuuang stocks ng Tadeco at hindi siya direktang kasama sa management nito o sa negosasyon. Sinabi pa niya na ang pagkakaroon ng “nominal interest” sa government contracts ay hindi labag sa batas.

Ayon naman sa Sandiganbayan, ang pagkakaroon ng interest rito ay ipinagbabawal ng batas. Ang paglabag sa Republic Act No, 3019, ay maaaring magawa sa actual intervention o ang pagkakaroon ng prohibited interest.

You May Also Like