SA wakas ay masisimulan na ang pagbabakuna dito sa bansa nang dumating kahapon ang donasyon ng bansang China na Sinovac. Personal itong sinalubong ni Presidente Rodrigo Duterte na naghayag na binabalak niyang magpunta sa naturang bansa para naman personal na magpasalamat lalo na kay China president Xi Jinping.
Bukod sa Sinovac, inaasahan ring darating na sa bansa ang iba pang brands ng bakuna na gaya ng sa Pfizer at AstraZenica, para tuloy-tuloy na ang inoculation program sa bansa bilang proteksyon ng mga mamamayan laban sa nakamamatay ng COVID-19.
Pero nahaharap pa rin sa malaking problema an gating pamahalaan dahil marami sa ating kababayan ang natatakot magpaturok ng bakuna dahil sa mahina raw ang efficacy rate ng Sinovac. At hindi pa rin mawala sa isipan ng maraming kababayan ang nangyari sa Dengvaxia na sa halip na nakatulong sa mga bata ay nagdulot ito ng bangungot sa pamilya ng mga namatay na bata makaraang maturukan ng bakunang ito.
Sa madaling sabi ay nasira ng katiwalian sa pamahalaan ang bakuna na noon pa man ay nagbibigay ng proteksyon mula sa bata hanggang matatanda laban sa mga nakamamatay ng sakin.
Nasira ang tiwala ng mga mga tao sa bakunang Dengvaxia dahil sa halip na ito ang naging proteksyon laban sa mga sakit ay ito pa naging sanhi ng kamatayan ng maraming mga bata. At ang kamatayang iyon ay dahil sa corruption o kaswapangan sap era.
Kaya kahit pa anong sabihin ng mga medical experts ay tila hindi na ito madaling matanggap ng mga taong natakot sa bakuna dahil sa Dengvaxia.
Dahil dito ay nakikiisa kami sa pamahalaan na himukin ang mamamayan na magpaturok ng bakuna mula sa ano pa mang brand ang kanilang pagkakatiwalaan. Magkonsulta na muna sila sa mga doktor na kanilang pinagkakatiwalaan para maipaliwanag sa kanila ang epekto ng bakunang kanilang tatanggapin.
Ang bakuna laban sa nakamamatay na COVID-19, ay hindi lamang magdudulot na proteksyon sa isang tao kundi proteksyon na rin sa kanyang pamilya, kamag-anak, kaibigan at iba pang mahal sa buhay,
Kailangan nating lahat ang bakuna laban sa COVID-19.