HUMIHINGI ng dasal ang kapatid ni Bianca Lapus na dinapuan ng COVID-19 at pneumonia.
Ayon kay Marnie sa kanyang Facebook page nitong March 17, nasa isang pagamutan ang kanyang kapatid.
Aniya pa, nitong mga nakalipas na linggo’y labas-masok raw ang kanilang mga magulang at kapatid na si Kyla dahil sa sari-saring karamdaman, “But this is the first time a member of the family is inflicted with the virus.”
Nag-post naman ang kaibigan ni Bianca na si Nadia Montenregro na dagdagan ang pananampalataya para maitawid ang kalagayan nito.
Hindi malinaw kung saan nakuha ni Bianca ang nasabing virus.
Samantala, naiulat nang mas madaling makahawa ang variant ng coronavirus. Mas tumataas pa ang mga kaso nito sa bawat araw.
Ibayong pag-iingat ang tanging solusyon para masugpo ang pagkalat nito.