PUMANAW na ang boxing legend na si Marvin Hagler sa edad 66.
Ayon sa kaniyang asawang si Kay G. Hagler, nalagutan ng hininga ang asawa sa Barlett, New Hampshire.
Naging undisputed middleweight champion si Hagler mula 1980-1987.
Mayroong record ito na 62 panalo at tatlong talo na mayroong 2 draw at 52 knockouts.
Naging matinding laban nito ay noong nakaharap niya si Thomas “Hitman” Hearns na tinawag na “The War” kung saan kapwa nagtamo ng matinding pinsala ang dalawa hanggang sa huli ay tinalo na niya si Hearns.
Nakuha rin ni Hagler ang World Boxing Council at World Boxing Association middleweight titles noong 1980 ng talunin si Alan Minter sa ikatlong round sa Wembley Arena sa London.
Umabot rin sa 12 beses na naipagtanggol nito ang kaniyang titulo kabilang ang 15-round unanimous decision victory laban sa kay Roberto Duran ng Panama noong 1983 at sa kaniyang huling panalo sa 11th round knockout kay John Mugabi ng Uganda noong 1986.
Tinanghal na Fighter of the Decade noong 1980 ng Boxing Illustraed at Fighter of Year mula 1983 hanggang 1985 ng Boxing Writers Association of America.
Nanguna naman si boxing coach Freddie Roach sa nagpaabot ng pakikiramay sa mga kaanak ni Hagler.