HINDI sinang-ayunan ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang suhestiyon na magkaroon nan g face-to-face classes dahil sa patuloy na paglaganap ng COVID-19 sa bansa.
“Nagdesisyon na ang Presidente ha: wala pa rin po tayong face-to-face classes sa bansa,” ayon kay Secretary Harry Roque, sa press briefing sa Malacañang Palace.
Ayon kay Roque, na ayaw ni Presidente Duterte na malagay sa peligro ang buhay ng mga estudyante pati na ang mga guro sa banta ng virus.
Sinabi ni Roque na ang gusto ni Presidente Duterte ay ang mailunsad muna ang vaccination program sa buong bansa bago magkaroon ng face-to-face classes sa Agosto partikular na sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Inapurbahan ni Duterte ang pilot implementation ng face-to-face classes noong nagdaang Disyembre na dapat sana ay magsimla nitong nagdaang Enero, 2021 sa mga lugar na tinaguriang low-risk sa COVID-19 ccases.
Ngunit binawi ito ni Duterte nang makapasok dito sa bansa ang bagong variant ng virus mula sa United Kingdom. Mas mabilis makahawa ng UK variang ng COVID-19.