IPINAUUBAYA ng Inter-Agency Tastk Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa local government units ang pagpapatupad ng granular lockdowns dahil sa paglobo ng bagong COVID-19 cases.
Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na nagsabing wala pang dahilan para magdeklara muli ng mahigpit na community quarantine o isailalim na muli ang bansa sa “stricter lockdown” dahil sa muling pagdami ng mga naapektuhan ng nakamamatay na virus.
“Right now, hindi naman kinakailangan—if you’re talking about mag-MECQ (modified enhanced community quarantine) ba tayo or ECQ (enhanced community quarantine). Hindi naman po kailangan,” sabi ni Nograles.
“The LGUs already have a localized and granular lockdown mechanism. Kumbaga ‘yan na ‘yung ECQ na granular and localized level per barangay, per street, per building, per purok, per sitio. They can already do that,” aniya pa rin
Ayon pa kay Nograles, binigyan ng hanggang 2-linggo ang monitoring ng quick response and actions ng local governments at saka sila kikilos sigon sa pangangailangan nila.
Sa kasalukuyan ay nasa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila at 9 na iba pang lugar sa bansa samantalang ang iba pang lugar ay nasa modified general community quarantine.
Sinabi ni Nograles na ang muling paglobo ng bilang ng COVID-19 cases ay pa masasabing mula sa transmissible variants ng na-detect mula sa United Kingdom at South Africa.
Ayon sa kanya ay ito ay maaaring mula sa hindi pagsunod sa minimum health protocols tulad ng pagsuot ng face shield at face mask at sa social distancing.
“I think we have to be cautious, extra cautious, dobleng ingat po. We don’t have to wait for that conclusive finding na ito ay dala ng South African at UK variant. I think it is safe to assume and I think we must assume that can be a variable that is causing the spike. Kaya dapat dobleng ingat tayo,” sabi ni Nograles.