MAKARAAN ang 23 taon ng kanilang bakbakan, umaasa pa rin si Evander Holyfield na matutuloy ang kanilang ikatlong bakbakan sa ring ni heavyweight champ Mike “Iron” Tyson.
“The thing is that if it’s meant to be, it will happen either way, it is what it is,” sabi ni Holyfield na gustong masundan sundan ang yapak ni Tyson. Si Tyson ay nagbalik sa ring noong nagdaang taon.
Matatandaang naging mainit si Holyfield kay Tyson makarang kagatin ng huli ang kanyang tenga habang naglalaban sila noong 1997. Hindi napigilan ni Tyson, na binansagang “Iron” ang kanyang pagkapikon kung kaya’t kinagat niya ang tenga ni Holyfield na nagbunsod ng kanyang disqualification sa naturang laban.
Sinabi ni Holyfield na pinaghahandaan niya ang kanilang paghaharap ng 53-anyos na Tyson habang ang kanyang team ay nakikipag-usap sa kampo ng undisputed heavyweight champion.
“What I can tell you is that my team is talking to Mike’s management, so I’m waiting for a decision. They are communicating right now. The thing is, I’m still training for this. I know it will be someday this deal will happen and I’m ready for him. I’m doing OK,” ani Holyfield.
Sa kanyang record, si Tyson ay nagkaroon ng 44 knockouts sa 50 na panalo samantalang anim ang kanyang talo at nagkaroon ng 2-draw. Sa kabilang dako, si Holyfield naman ay nagkaroon ng 44-knockouts sa kanyang 57 na panalo at may 10-talo at 2- draws.