NAGPASYA na si PBA veteran JC Intal na magretiro sa paglalaro.
Sa kaniyang Instagram, sinabi nito na isang mabigat na desisyon ang ginawa niyang pag-alis sa nasabing liga sa loob ng dalawang dekada.
Isang malaking karangalan aniya na maging bahagi sa nasabing liga.
Matapos kasi ang paglalaro niya sa Ateneo Blue Eagles ay naging fourth overall pick ito sa 2007 PBA Rookie Draft ng Air21 Express.
Matapos ang dalawan gseason ay lumipat ito sa Barangay Ginebra at Purefoods bago bumalik sa Barako Bulls noong 2013 hanggang sa makuha ito ng Phoenix Fuel ang koponan
Naging bahagi siya ng 2015 FIBA Asia Championship sa China na mayroong average na 3.8 points, 2.3 rebounds at 1.3 assist per game.