Kadupangan ng Meralco

INIHAHANDA ko na ang aking isasampang criminal case laban sa Manila Electric Company (Meralco) dahil sa hindi makatarungang pagputol ng supply ng kuryente sa aming bahay kahit mayroon na akong isinampang kaso sa Energy Regulatory Commission (ERC) laban ditto dahil sa overcharging.

Matatandaang pinagmulta na ng ERC itong Meralco ng P19-milyon dahil sa “bill shock” habang may lockdown. Ang bill shock ay yaong overcharging ng electric company at napakaraming biktima na customers kabilang na kami.

Pero hindi ako nakisawsaw sa reklamo ng marami dahil sinulatan naming ang Meralco at hiniling naming ang re-computation ng aming bills dahil sa malinaw namang overcharging ang kanilang ginawa.

Biro n’yo, mga padrino ko, ang aming bill na naglalaro lamang sa mahigit P3,000.00 hanggang higit P4,000.00 ay umabot sa higit P5,000.00 at higit sa P6,000.00 dahil sa lockdown! Wow, heavy!!

At nitong Enero ay bumalik sa higit P3,000.00 lamang na ibig sabihin ay talagang tsambahan ang billing nitong Meralco na pinamumunuan nina Manny V. Pangilinan, bilang chariman at Ray Espinosa, ang miyembro ng board of directors na president at COO. Mandaraya ang mga hindoropot!

Dahil sa hindi inaksyonan ng Meralco ang aming sulat ay sinampahan ko na ito ng kaso sa ERC para mapwersa na ito na kwentahing mabuti ang kanilang sinisingil sa amin bago naming ito bayaran.

Pero sa halip na recomputation at pwinersa ng Meralco na magbayad kami ng aming bills na hindi raw naisama sa aking isinampang kaso sa ERC! At kung hindi ko babayaran ang naturang mg bill na umabot sa P26,000.00 ay puputulin nito ang aming kuryente. Sus, ginoo!

Nagpunta ang mamumutol ng Meralco noong Enero 15 pero hindi nito pinutol ang aming kuryente dahil sinabi kong may kaso. At meron uling pumunta noong Enero 25, kaya nakahalata na akong ipinapahiya na ako nitong Meralo sa aming mga kapitbahay.

Sa pangatlong punt ana namumutol ay tinuluyan nang putulin ang aming kuryente habang nag-aaral online ang aking isang apo at ang isa naman ay gumagawa ng kanyang assignment gamit ang wifi. Ako naman ay mayroon ding ginagawang mga importante sa aking laptop na gumagamit din na kuryente, Tapos kaming lahat sa kuryente na pinutol ng Meralco dahil sa pinipilit akon bayaran ang mga bill nila na puro overcharged! Tsk, tsk, tsk!

Ayaw kong bayaran ang Meralco dahil kapag binayaran ko ito ay maaaring ibasura na ang aking kaso dahil ang aking pagbayad ay palilitawin nilang tinanggap ko na na tama ang kanilang overcharged bills.

Pero pwinersa ako ng Meralco na magbayad dahil nga sa pinutol nila ang aming kuryente na kailangan naming lahat sa bahay hindi lamang para sa aming comfort kundi pati na rin sap ag-aaral ng aking mga apo at para sa aking trabaho bilang kolumnista ng 2 weekly papers bukod sa dyaryo ko online. Tsk, tsk, tsk!

At kinabukasan ay nagpunta ako sa Bacoor Business Office ng Meralco para magbayad at maikabit muli ang aming kuryente. Napilitan akong lumabas ng bahay para magbayad gayong takot ako sa COVID-19, lalo na sa bagong variant nito na mabilis makahawa!

At alam n’yo ba ang ginawa sa akin ng Meralco, mga padrino ko?

Matapos tanggapin ng Meralco ang aking bayad ay pilit pa ring isinasama ang January bill kaya hindi pa raw maikakabit ang aking kuryente! Grrrrrrr!!

Ipinaliwanag ko na hindi dapat nila pinutol ang aking kuryente dahil nga sa pending case sa ERC at ang nakalagay lang sa notice ng service disconnection na may kasamang reconnection fee ang aking dapat bayaran para maibalik ang aking kuryente. Pero hindi sila pumayag at obligado dawn a bayaran ko kasama ang January bill na higit P3,000.00! Sus!!

Pakiramdam ko ay inipit ako ng Meralco na gusto kong magwala dahil sa pinagloloko na nila ako na wala akong kalaban-laban dahil kailangan ko ng kuryente para hindi na mapilitang lumabas ng bahay ang mga apo ko at makigamit ng wifi para sa kanilang online classes! Puny_t_ sila!!!

Babayaran ko na sana pero sabi ng kausap ko ay pwede naman daw mag-promisory note para ma-reconnect ang aming supply ng kuryente. At naisip ko ngang mag-promissory note na lang dahil ayaw ko talaga ito bayaran.

Naikabit nang muli ang aming kuryente pero desidido na akong sampahan ng kasong grave coercion at 2 counts ng unjust vexation sina Manny V. Pangilinan, Ray Espinosa at iba pang Meralco personnel sa Office of the City Prosecutor. Isasama ko na rin ang violation ng Republic Act No. 7610 dahil pinutol ang kuryente habang may ginagawa ang mga apo ko para sa kanilang online classes.

Maaaring ang aking isasampang kaso ay maituturing na test case o suntok sa buwan. Pero mas mainam pang gawin ko iyon para maprotektahan ko ang mga Karapatan ng consumers na tulad namin laban sa mga hinayupak na yumayaman dahil sa panloloko sa mga tao!

Humanda kayong mga hindoropot sa Meralco!

Abangan!!!


Illegal recruitment activity

Nangangambang mabulok sa bilangguan ang isang Taiwan-based overseas Filipino worker sa oras na magsampa ng kasong estafa dahil sa large scale illegal recruitment ang kanyang mga biktima sa Macabebe, Pampanga.

Itong nagngangalang “Leon” (mas mabangis pa sa tigre ang ugali) ay nagkumbinsi ng kanyang mga kababayan sa naturang munisipalidad na mag-apply ng trabaho sa Canada pero peke pala.

Sabi raw niya na naggangailangan sila ng 200 workers sa Canada at magbayad na raw sila ng P20,000.00, na paunang bayad ng placement fee dahil inaayos na raw ang kanilang visa sa naturang bansa. Higit 130 ang kanyang nabiktima sa kanilang lugar sa Barangay San Jose, Macabebe.

Pero peke pala ang sinasabi nitong si Leon na trabaho. Ibig sabihin ay niloko niya ang kanyang mga kababayan! Susmaryosep ka!

Ngayon ay pinalilitaw nireng hindoropot na Leon na siya ay biktima rin ng illegal recruiter mula sa Iloilo! Lumang tugtugin na ‘yan, bulol!!

Kabisado ko na ang mga aktibidad ng illegal recruiter dahil sa noong 1986 pa ako reporter sa Department of Labor and Employment (DOLE) kasama na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) kaya hindi ako maloloko ng tulad nitong alyas Leon na mabangis pa nga sa tigre sa panloloko!

Sigurado akong kasabwat sya nitong nagngangalang Mhery Mae A. Dale, este, Dalde na taga-Pototan Iloilo.

Aabot ba naman ng higit 130 katao ang mabibiktima nitong si Leon kung hindi siya kasabwat nitong si Dale, este, Dalde?!

Si Leon ang nagsabi sa kanyang mga biktima na nangangailangan ng 200 workers sa Canada, siya ang nagsabing ipadala na ang bayad ng P20k kay Dale, este, Dalde (pasensya na kasi naiisip ko lang na na-dale ang mga biktima, Hehehe) siya rin ang nagsabing kumuha ng NBI clearance at magpa-medical ang mga aplikante. Kaya malinaw na siya ang nag-recruit sa higit 130 na biktima n’ya sa Pampanga, Hoy, Leon, lokohin mo lelong mong panot!

Ang pagkumbinsi lamang ng aplikante sa abroad ay recruitment activity na. At kapag ang nagkumbinsi ay walang authority mula sa POEA ay illegal recruitment at ito ay non-bailable offense kapag large scale na gaya ng ginawa ni Leon.

Ang biktima nitong si Mhery Mae A. Dale, este, Dalde, ay mahigit daw sa 300-katao! Wow, milyonarya na si Inday sa panloloko.

Ayon sa source, nakakulong na raw ito nang magtungo sa Maynila para raw mag-recruit pa! Sus, katapang ng kanimalan ng kumag!!

Sana mabulok itong sina Dale, este, Dalde (karami na akong mali, ah!) at si Leon sa kulungan! Doon lang kasi nababagay ang tulad nilang manloloko ng kapwa!!

Abangan!

You May Also Like

Serbisyo sa Barangay San Jose

Serbisyo sa Barangay San Jose

NAGKOMENTO ang huwes na aking inireklamo at sa halip na pasinungalingan ang aking mga akusasyon laban sa kanya ay...

Simula nang bakuna sa bansa

Simula nang bakuna sa bansa

PERSONAL na sinalubong ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pagdating kahapon, Pebrero 28, ng unang batch ng COVID-19...