Katiwalian sa LTO

INIUTOS ni Presidente Rodrigo Roa Duterte sa Land Transportation Office na huwag nang gawing mandatory ang pagpapatupad ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.

Gusto pa nga sana ng LTO na ipasa sa pribadong inspection centers ito na maniningil naman ng P1,800.00 para sa pribadong sasakyan at kapag hindi makapasa ay uulitin ang inspeksyon sa halagang P900.00 na lamang.

E, kung ibinagsak nang ibinagsak ay gaganansiya ng husto ireng Private Motor Vehicle Inspection Center (PMVIC) na siyang pinahintulutan ng LTO na magsasagawa ng vehicle inspections.

Pero ngayong hindi na mandatory ang vehicle inspection sa pagpaparehistro ng sasakyan ay biglang pumayag ang mga pribadong inspection centers na ibaba sa P600.00 na lamang ang kanilang sisingilin sa dati ay P1,800.00. Wow!

Ibig sabihin nito, mga padrino ko, ay sa P600.00 na kanilang bagong presyo ay kikita pa rin ireng mga pribadong inspection centers. Meron pa rin silang ganasya kahit pa nasa 70% na lang ang ibinaba ng kanilang singil.

Saan naman sana dapat mapunta ang P1,200.00 na inalis ng mga pribadong inspection centers?

E, di sa mga hungang na mandurugas sa Department of Transportation at, siympre pa, sa LTO! Sus, ginoo!!

Maganda man ang sinasabi ng LTO na layunin ng motor vehicle inspection ay napakasama naman ng lumitaw na tunay na layunin nito!

Kasi, gusto lang ng mga bwakaw na pagnakawan tayong mga motorista. Hoholdapin nila ang mga may-ari ng sasakyan sa pagkukunwaring nagmamalasakit sila sa atin!

Ganyang kadupang ang mga halimaw sa DOTr at LTO!

Abangan!!!


Child car seat law

Bukod sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS), ipinagpaliban rin ni Predente Digong ang pagpapatupad ng Republic Act No. 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicle Act.

Naging kontrobersyal din ang biglaang implementasyon ng batas na ito na bagaman noon pang 2019, naaprubahan ay ngayong panahon ng pandemic pa pwersahang ipatutupad sa bansa.

Totoong kailangan ng sariling upuan ang mga bata sa mga pribadong sasakyan bilang proteksyon nila sakaling magkaroon ng aksidente.

Pero noon pa sana ito ipinatupad at hindi ngayong pandemic na bawal sa mga bata ang lumabas ng bahay at kung kailan maraming naapektuhan sa trabaho.

Meron pang isang halimaw sa LTO na nagsabing kapag malaki ang bulas ng bata ay bumili ng mas malaking sasakyan! Sus, ogag na katwiran!!

Sana nag-iisip ang mga ibang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), officials ng tama at hindi yaong ang iniisip ay kung paano sila makanakaw sa panahong ito ng pandemic.

Matagal na kasing nakakahalata o nakakaramdam ang mamamayan na puro pandurugas lang ang kanilang ginagawa na lalong nagpapahirap sa bayan at mamamayan!

Katakawan sa pera ang ipinaiiral ng mga animal sa gobyerno!

Alamin!


Fixers sa LTO, namamayagpag pa rin

Kahit ano pang paghihigpit at pagdagdag ng Land Transportation Office sa requirements sa pagkuha ng driver’s license of pagpaparehistro ng mga sasakyan ay tiyak na wala itong saysay dahil sa fixer sa mga tanggapan nito.

Biro n’yo, mga padrino ko, sakaling gusto mong mapabilis ang iyong pagparenew ng lisensya o ng rehitro ng iyong sasakyan ay sa fixer mo ito ibigay at tiyak na nakaupo ka lang sa isang tabi at ilang saglit lamang ay nariyan na ang mga kailangan.

Noon pa ipinagmamalaki ng LTO na naalis na raw ang mga fixers sa kanilang mga tanggapan. Nataboy na raw ang mga ito at may babala pa silang huwag makipag_ugnayan sa mga bulol na fixers.

Pero ang totoo ay sainasalubong na agad ng fixers ang mga mayroong transaksyon sa LTO. Makukulit a nga ang mga hunghang na susundan ka na halos agawin na ang hawak mong papeles!

Hindi kayang paalisin ng LTO ang mga fixers sa kanilang tanggapan dahil sa sila ay bahagi na nireng granft-ridden agency. Kulang na lang ang bundy cards nila kasi mas maaga pa nga silang pumapasok sa LTO kaysa sa ibang mga tauhan nito! Tsk, tsk, tsk!

At sadyang hindi sila paaalisin ng LTO dahil kumikita ang mga halimaw na tauhan ng LTO sa mga malaking iniaabot ng fixers sa kanila! Susmaryosep!

Kaya sana ay sibakin kaagad ni Presidente Digong ang mga opisyal ng LTO na may fixer sa kanilang tanggapan!

Para naman mabawasan ang corruption sa ahensya nireng si Assistant Secretary Edgar Galvante! At mapatupad ang ano mang polisiya para sa kaligtasan sa lansangan!!

Sibakin!!!

You May Also Like

Serbisyo sa Barangay San Jose

Serbisyo sa Barangay San Jose

NAGKOMENTO ang huwes na aking inireklamo at sa halip na pasinungalingan ang aking mga akusasyon laban sa kanya ay...

Simula nang bakuna sa bansa

Simula nang bakuna sa bansa

PERSONAL na sinalubong ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pagdating kahapon, Pebrero 28, ng unang batch ng COVID-19...