MULING tumataas ang bilang ng mga nagkakaroon ng COVID-19, sa kabila ng patuloy na pagdating sa bansa ng mga bakuna laban dito.
Dahil dito, dapat nang apurahin ang pagbabakuna ng mga mamamayan na naaayos sa programa ng pahamalaan para maiwasan na ang serious cases ng COVID-19. Hindi na dapat nag-aaksaya ng panahon ang pamahalaan para sa proteksyon ng mamamayan.
Pero mananatili pa ring problema ang pangamba ng karamihan sa bakuna laban sa virus na ito. Hindi maaalis sa mamamayan ang kanilang takot sa malagim ginawa ng Dengvaxia.
Kinakailangang doblehin o triplehin pa ng pamahalaan lalo na ng Department of Health ang kanilang information dissemination tungkol sa mga bakuna lalo na ang Sinovac na sinasabing mababa lamang ang efficacy.
Sa pagsaliksik ng Primo Newsweek, pare-pareho ang mga bakuna sa epekto nito na mapipigilan na maging seryoso ang maaaring dapuan pa nitong virus na problema sa buong mundo. Maiiwasan na kasi ang ma-ospital ang magkasakit ng COVID-19 at hindi na manganganib ang buhay kapag naturukan ng bakuna.
Hindi man maaalis ang pangamba ng ibang tao ay sana magkonsulta na lamang ang mga ito para naman mabigyan sila ng prooteksyon laban sa nakamamatay na virus.