AABOT na sa 70-porsiyento ng healthcare workers ng Marikina City ang nakahandang magpaturok ng China vaccine na Sinovac na dumating sa bansa kahapon, Pebrero 28.
Ito ang inihayag ni Mayor Marcy Teodoro na nagsabing hindi pinagdududahan ng heatlhcare workers sa kanyang lungsod ang efficacy ng Sinovac kung kaya’t gusto pa niyang himukin ang nalalabing 30-prosiyento ng Marikina healthcare workers na tanggapin na rin ang naturang bakuna para sa kanilang proteksyon laban sa COVID-19. Hinihintay pa ng naturang healthcare workers ang iba pang vaccine brands na gaya ng Pfizer na sinasabing pinaka-epektibo laban sa virus.
Sinabi ng alkalde na ang mahalaga ay ang mabigyan ng proteksyon ang healthcare workers sa lalong madaling panahon laban sa nakamamatay ng virus.
Inihayag rin ni Mayor Teodoro na kabilang sa vaccine program ng lungsod ang Astra Zeneca at ang COVAX na inaasahang parating na rin sa bansa.