HIGIT isang taon na ang Pilipinas sa pagtitiis sa pandemya ay tila wala pa ring nakikitang linaw sa pagpuksa ng COVID-19 mula sa pagdidisiplina sa mamamayan upang sumunod sa minimum health protocols hanggang sa pagkakaroon ng mga bakuna na siyang inaasahan ng lahat na proteksyon laban sa nakamamatay na virus.
Pansamantalang nakaramdaman sa bansa ng ginhawa laban sa COVID-19 nang dumating ang Sinovac mula sa bansang China noong Pebrero. At kasunod nito ay ang pag-asang dadagsa na ang iba pang mga bakuna upang matiyak na ang proteksyon na lubhang kinakailangan ng mamamayan.
Subalit sa halip na proteksyon ay muli tayong ibinabalik sa ating nasimulan na ECQ o ang enhance community quarantine mula sa MGCQ o ang modified general community quarantine. At wag naman n asana bumalik sa lockdown ang Luzon o ano mang panig ng bansa.
Inatake ang bansa ng mas mabangis na variant ng COVID-19, na ang ikinababahala ng marami nating kababayan ay ang posibilidad na hindi na magiging mabisa ang bakuna dahil sa bagong variant na sinasabing, huwag naman sana, mas nakamamatay.
Dahil dito, dapat nang higpitan ng kinauukulan ang pagpapatupad ng minimum health protocols. Arestuhin ang mga lumalabag, ikulong at sampahan ng kaukulang kaso.
Dapat natuto na ang lahat sa ating higit na isang taon na karanasan sa ating dinaranas na pandemic.