MAGIGING kakaiba ngayong taon ang NBA All-Star Game dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na limitado ang naimbitahang manood sa laro na gaganapin ngayong araw sa State Farm Arena sa Atlanta.
Bukod kasi sa All-Star weekend ay ginawa na lamang itong isang araw kung saan bago ang All-Star Game ay gaganpin ang Three-point contest habang ang slam dunk contest naman ay gaganapin sa halftime.
Maglalaan ang NBA at National Basketball Player Association ng $2.5 milyon na pondo at resources sa Historically Black Colleges and Universities at ang pag-suporta at awareness sa equity access sa COVID-19 care, relief and vaccines.
Magpapatupad din ang NBA ng “mini bubble” sa event kung saan ang mga players, staff at lahat ng mga manonood ay dadaan sa testing.
Magiging labanan sa team LeBron James at team Kevin Durant.
Napili ng dalawa ang kanilang koponan sa pamamagitan ng draft format.
Makakasama ni James si Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo, Golden State Warriors guard Stephen Curry, Dallas Mavericks guard Luka Doncic at Denver Nuggets center Nikola Jokic.
Sa team Durant ay napili ang Nets team mate nito na si Kyrie Irving, Sixer center Joel Embiid, Clippers forward Kawhi Leonard, Washington Wizards guard Bradley Beal, Boston Celtics forward Jayson Tatum, Utah Jazz players Donovan Mitchell at Rudy Gobert.
Hindi naman makakapaglaro si Durant dahil sa left hamstring strain kung saan papalitan siya ni Indiana Pacers forward Domantas Sabonis.