PATULOY ang pagsulong ng Marinduque local chess ipinagkaloob na suporta ni Board Member John Pelaez, sa 3rd Marinduqe Online Tournament na gaganapin sa Pebrero 19.
Sa torneyong ito ay magkakaroon ng 11-round Swiss System na may 5-minutong time control para sa players na bubuksan sa lahat ng manlalaro ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).
“Board Member Engineer John Pelaez is very intelligent, helpful and understanding when it comes to the welfare of young and budding pawnpushers in the locality,” ayon kay Philippine Executive Chess Association (PECA) president Dr. Alfredo Paez. Si Paez ay ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) assistant executive director for Southern Luzon.
Ang mga cash prizes ay P3,000 para sa kampeon, ang runner-up ay tatanggap ng P2,000 samantalang ang third-placer ay tatanggap ng P1,000.
Tatanggap rin ng tig-P300 cash prizes ang category winners para sa Top Executive, Top Kiddie, Top Junior, Top Senior, Top Lady, Top Marinduqueno at Top Marinduquena.