NABILI sa tumataginting na halagang $1.795 million ang malinis na Kobe Bryant rookie card na itinuturing ng Goldin Auctions na “one of the rarest in existence.”
Dalawa lang ang Topps trading card sa itinuturing na “black label pristine condition,” ayon sa auction house at pinakamahal na card ni Bryant na naibenta.
Matatandaang mahigit isang taon nang namamatay ang National Basketball Association (NBA) champion dahil sa helicopter crash kasama ang kanyang anak at pitong iba pa.
“The fact that it sold for the final auction price of $1.795 million, the all-time record for any Kobe Bryant card, speaks to just how beloved he was around the world,” ani Goldin Auctions founder Ken Goldin.
Ang mga Basketball rookie card, madalas na pinag-aagawan ng mga collector, ay trading card na nagpapakilala sa mga manlalaro bago sila maging professional.