PERSONAL na sinalubong ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pagdating kahapon, Pebrero 28, ng unang batch ng COVID-19 vaccines na Sinovac mula sa bansaang China. Ito ay donasyon ng Chinese government sa bansa.
Bukod sa Sinovac ay inaasahan pang dumating ang iba pang brands ng bakuna dito sa bansa na matagal nang naatala dahil na rin sa kapalpakan ng ibang government officials.
Nitong araw ng Lunes, Marso 1, ay masisimulan na rin ang inoculation campaign dito sa bansa na siyang kailangan nating lahat para proteksyon laban sa nakamamatay na virus na higit isang taon nang salot hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Salamat po, Panginoong Hesus!
Sabi ni Senator Manny Pacquiao, ang masidhing katiwalian ang siyang ugat ng insurgency sa bansa.
Mr. Senator, bakit naman po tila ngayon n’yo lang po nalaman ‘yan, e, higit 50-taon nap o ang inusurgency dito sa banssa?!
Alamin!!!
Ngayong alam na pala ni Senator Manny Pacquiao, na matinding katiwalian ang nagtulak sa mamamayan para mag-rebelde laban sa pamahalaan ay dapat na siyang gumawa ng paraan para masugpo ang katiwalian na lumala sa administrasyong ito ni Presdente Rodrigo Roa Duterte.
Naniniwala akong malaki ang maitutulong n’ya laban sa katiwalian na siyang tunay na nagpapahirap sa bayan at mamamayan.
Ala, e, bigyan na lang n’ya ng isang napakalakas na left left hook punch ang mga hindoropot na mandurugas sa IATF o yaon bagang Inter-Agency Task Force on emerging Infectious Diseases ay tiyak na aalis na sila sa gobyernong kanilang ninanakawan! Sus, ginoo!!
Marami sa IATF na nabugok na ang pag-iisip dahil sa umiinog lang sa pagnanakaw ang nasa kokote nila! Tsk, tsk, tsk!!
Abangan!!!
Gumastos na raw ng malaking halaga si Senator Leila de Lima, na pera ng bayan habang siya ay nakakulong.
Ala, e, nakakulong man siya ay hindi pa naman siya nasisibak silang senador ng bansa.
Kung ginagastos n’ya ang pera sa personal niyang pangangailangan ay iyon ang mortal na kasalanan laban sa bayan.;
Pero kapag iyon ay sa kanyang pagtupad sa tungkulin bilang senador ay walang problema.
Wag maging judgmental!
Pinasasampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong kriminal ang apat na Bureaua of Customs (BOC) executives dahil sila raw ang nagpapasok ng hazardous imported solid waste mula sa bansang Canada noong taong 2013 at 2014.
Ala, e, gagastos pa ang gobyerno para kasuhan ang apat na hinayupak gayong mayroong mabisang paraan para silang maparusahan nang husto.
Ibaon sila sa bulubunduking dumpsite sa loob ng 10-taon!
Inamin ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi sinunod ng Philippine National Police (PNP) ang rules sa war on drugs ni Presidente Digong.
Nagduda siguro ang PNP na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na siyang pinagmulan ng impormasyon ito kung kaya’t nalaman ni Secretary Guevarra.
Nagpatayan kasi sila noong Pebrero 24, pero hindi malaman kung ano ano an tunay na dahilan.
Pero dapat lang na maubos na ang mga hunghang na law enforcers pero druglords din pala!
Ubusin!!!