Subway sisimulan sa Hulyo

TINITIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na magsisimula sa Disyembre nitong taon ang partial operation ng kauna-unahang subway railway system sa bansa,

Ito ang inihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa unveiling ceremony ng bahagi ng tunnel boring machine, na siyang head cutter na mahalaga sa construction ng Metro Manila subway railway system.

Ang $350-bilion project na sisimulan ang actual construction sa Hulyo ay matatapos sa taong 2015. Balak ng DOTr na magsagawa ng partial operation nito sa East Valenzuela pagkatapos nitong taon.

“Partial operability by December this year. Worst case scenario is by January o February next year ay mae-enjoy at masasakyan ang ating subway hindi pa tayo nagbabayad ng loans,” ayon kay Tugade.

Tiniyak ni Tugade na ang konstruksyon ng naturang subway ay ligtas dahil sa paggamit ng Japanese technology. Ang 85% ng kabuuang halaga ng $350-bilyon ay inutang sa bansang Japan, ayon pa kay Tugade.

“Ang mga engineers natin, consultant at skills pati na mga contractor ay na-involve sa… subway sa Japan kung saan ‘yung bagyo at lindol ay marami kesa sa atin. Ibig sabihin kung bibitbitin ‘yung kanilang talent at skills at experience puwede natin sabihin kagaya ng Japan hindi magkakaproblema ‘yung baha,” sabi ni Tugade..

Ang cutter head ang pinakamalaking bahagi ng tunnel boring machine at may timbang na 74 tonelada. Singbigat ito ng dalawang Airbus A320 airplanes. Ito ang ginagamit para basaging, hatiin at durugin ang mga bato at lupa na may lakas ng 300 mga jackhammer.

You May Also Like