Teknikalidad

PAULIT-ULIT nang sinasabi ng Korte Suprema na hindi dapat ibinabasura ang mga kaso dahil lamang sa teknikalidad. Dapat ang pagbabasehan ng pagresolba ng mga kaso ay ang merito nito.

Bagaman paulit-ulit ang Korte Suprema dine, ay paulit-ulit na ring nilalabag ito ng mga mababagang korte lalo na ang Court of Appeals.

Sa madaling sabi ay nagmimistula silang ignorante sa mga kautusan ng Korte Suprema. O sadyang matitigas ang ulo!

Mahalaga nga ang procedural rules para mapabilis ang dispensation ng mga kaso. Pero ang pinakamahalaga ay ang madesisyonan o maresolba ang kaso base sa merito nito o base sa mga ebidensya.

Sa ginagawa ng Court of Appeals na ibasura ang mga petition for review dahil sa technicalities ay kaawa-awa naman ang pobreng naghain ng ibinasurang petisyon kahit na napakatibay ng kanyang ebidensya.

Magastusan pa ang petitioner ng motion for reconsideration o ang i-akyat sa Korte Suprema ang kanyang ibnasurang petisyon.

Ibig sabihin ay magagastusan uli siya sa paggawa ng motion for reconsideration. At mas malaki ang gastos kapag iniakyat ito sa Korte Suprema, ang tamang lugar na nagrerespeto sa mga ebidensya at merito ng kaso.

Kaya dapat nang gamitan ng kamay na bakal ng Korte Suprema ang sino mang Court of Appeals justice na magbabasura ng petition for review dahil lamang sa technicalities. Isktrikto kasi ito sa procedural rules.

Dapat parusahan na ng Korte Suprema ang sino mang magbabasura ng kaso base sa technicalities!

At ang pinakatamang parusa sa mga ito ay ang masibak sa kanilang tungkulin. Dahil sa pagiging ignorante sa batas!

Sibakin!!!


Minsan ay dapat lamang na pagdudahan ng Korte Suprema ang pagbabasura ng Court of Appeals ng mga kaso base sa lamang sa teknakiladad at hindi sa merito o pag-review ng mga ebidensya.

.Teknikalidad dahil sa hindi nasunod ang procedural rules na mahalaga rin naman para sa pagpabilis ng pag-resolba ng kaso.

Ang ilan sa teknikalidad na kadalasang natutuklasan ng Korte Suprema ay ang hindi beripikado o notaryado petition for review; hindi nailagay ng lawyer na nagnotaryo ang kanyang Mandatory Continuing Legal Education (MCLE); at iba pa.

Pero maaaring pagdudahan ang kanilang pagbasura ng mga kaso na idinulog sa kanila o ang petition for review ng mga ito dahil sa teknikalidad dahil paulit-ulit ang Korte Suprema na wag maging istrikto ang mga hukuman sa procedural rules at resolbahin ang mga kaso base sa mga ebidensya nito.

Katunayan ay sinabi ng Korte Suprema na: “Furthermore, in the interest of judicial economy, the Court of Appeals should avoid dismissal of cases based merely on technical grounds. Judicial economy requires the prosecution of cases with the least cost to the parties and to the courts’ time, effort, and resources”.

Pero bakit naman kaya paulit-ulit pa rin ang Court of Appeals na magbasura ng petition for review dahil sa teknikalidad, mga padrino ko?

Dito nagkakahinala ang lahat na mayroong mga CA justices na mahuhusay na kusinero! Yaon bagang masarap magluto ng kahit anong putahe basta kumpleto ang rekado na binili ng nagpapaluto!! Sus, ginoo!!!

Sigurado namang hindi bobo ang mga hukom sa CA. At lalong siguradong alam nilang dapat silang sumunod sa ano mang ruling ng Korte Suprema na nagiging bahagi na ng ating batas.

Pero bakit nga ba sila mahilig magbasura ng mga petition for review?

Magkano kaya?! Ang sweldo ng tubero ng Maynilad! Hehehe

You May Also Like

Serbisyo sa Barangay San Jose

Serbisyo sa Barangay San Jose

NAGKOMENTO ang huwes na aking inireklamo at sa halip na pasinungalingan ang aking mga akusasyon laban sa kanya ay...

Simula nang bakuna sa bansa

Simula nang bakuna sa bansa

PERSONAL na sinalubong ni Presidente Rodrigo R. Duterte ang pagdating kahapon, Pebrero 28, ng unang batch ng COVID-19...